Mabilis ang paglakas ni Nando na ngayon ay isa nang bagyo.
Huling namataan ang sentro ng mata ng bagyong Nando sa 775 km Silangan ng Casiguran, Aurora.
Dala nito ang lakas ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 150 km/h.
Kumikilos si Nando pa-west northwestward sa bilis na 10 km/h.
Gayunman, wala pang itinaas na Cyclone Wind Signals.
Tinatayang pag-iibayuhin ni Nando ang Southwest Monsoon habang lumalapit ito sa kalupaan.
Ilalagay sa Wind Signal No. 1 mamayang hapon sa Northern Luzon at ang silangang bahagi ng Central Luzon, at ang inaasahang pinakamataas na Wind Signal habang tumatawid ang bagyo ay Wind Signal No. 5.
Magdudulot ang Southwest Monsoon at trough ng Nando ng malalakas na hangin at alon sa mga sumusunod na lugar: Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga.
Asahan din ang ganitong sitwasyon sa Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Occidental, at Davao Oriental.
Habang sa September 22 naman ay mararamdaman ang epekto ng bagyo sa Central Luzon (areas not under wind signal), Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Davao Occidental, at Davao Oriental.
Ibinabala ang ang hanggang tatlong metro na taas ng alon sa eastern seaboards ng Cagayan, Isabela, at Catanduanes, habang hanggang 2.5 meters naman sa karagatan ng Batanes, Babuyan Islands, Polillo Islands, Albay, at Sorsogon; ang nalalabing seaboards ng mainland Cagayan; northeastern seaboard of Aurora; northern at eastern seaboards ng Camarines Sur, Camarines Norte, at Northern Samar.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga maglalayag na mga sasakyang pandagat.
Tinatayang lalakas pa si Nando habang nasa Philippine Sea.
Posibleng ito ay maging isang supertyphoon sa araw ng Lunes bago ito papunta ng Batanes-Babuyan Islands.