TUGUEGARAO CITY-Bukas na sa mga turista ang Buacag falls na bagong tourist spot na matatagpuan sa Sta Ana, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, ibinida ni Agrimero Cruz Jr, deputy administrator ng Cagayan Economic Zaone Authority (CEZA) na maikukumpara ang ganda ng tanawin sa naturang water falls sa bansang Hawaii.

Dagdag pa ni Cruz, na napakalinaw nag tubig sa Buacag falls at napakalinis pa ng kapaligiran.

Sinabi ni Cruz na kabilang sa kanilang pinaplano ang pagsasaayos ng lansangan papunta sa lugar, inuming tubig at kuryente.

Katuwang ng Buacag Eco-Tourism Association sa pagdevelop sa lugar ang CEZA at lokal na pamahalaan ng Sta Ana.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Cruz, makakatulong sa kabuhayan ng mga katutubong agta sa lugar ang pagbubukas ng naturang bagong tourist destination sa Cagayan.

Bilang dating Western Visayas regional police director, sinabi ni Cruz na nasaksihan at karanasan niya sa mga ginagawa sa Boracay kung saan ia-adopt nito sa Buacag Falls ang pag-showcase sa mga kultura at tradisyon ng mga katutubong agta.

Kasabay ng pagsasapubliko sa Buacag Falls ay ang pagkumpirma sa 14 na tourist guide na dumaan sa pagsasanay.