Arestado sa entrapment operation ang isang empleyado ng National Police Commission o NAPOLCOM dahil sa pagkakasangkot umano nito sa “fixing” ng mga kaso sa ahensya.

Ang operasyon ay isinagawa ng Integrity Monitoring and Enforcement Group at CIDG-NCR sa parking area of PNP Mortuary, Camp Crame kahapon ng hapon.

Kinilala mismo ni NAPOLCOM Commissioner Atty. Rafael Vicente Calinisan ang suspek na si Noel Casabon.

Lumalabas sa imbestigasyon na si Casabon ay nanghihingi ng pera kapalit ng paborable desisyon sa kanyang kaso sa NAPOLCOM.

Maging ang simpleng follow-up ng kaso ay may kapalit ding bayad.

-- ADVERTISEMENT --

Isinagawa ang operasyon matapos magsampa ng reklamo si dating pulis Major Jefferson Guillermo laban kay Casabon sa IMEG.

Nabatid na hiningan ito ng suspek ng 20,000 pesos para sa pagresolba sa kanyang kaso.

Bukod dito, may isa pang complainant na lumutang na nagsasabing may iba pang empleyado ng NAPOLCOM na sangkot sa katiwalian.

Batay sa kanyang salaysay, pito pang indibidwal, kung saan lima ay mula sa NAPOLCOM ang maaaring may partisipasyon sa iligal na gawain.

Sasampahan ng kasong Estafa, paglabag sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), at RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang suspek.