Pinawalang sala ng Sandiganbayan sina Janet Lim Napoles, Agusan del Sur Congressman Rodolfo Plaza at walong iba pa sa maanomalyang paggastos sa P27.5 million na Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Sa desisyon ng korte, not guilty sina Napoles matapos mapatunayang “valid government releases” ang inilabas na PDAF ni Rodolfo Plaza para sa dalawang NGOs.
Wala rin anilang anumang ebidensyang magpapatunay na nakatanggap sila ng kickback o pera mula sa Special Allotment Release Order.
Ibinasura din ng Sandiganbayan ang dalawang kaso ng Direct Bribery laban kay Plaza dahil sa kawalan ng ebidensya.
-- ADVERTISEMENT --