Pinaniniwalaang na-highblood ang 38-anyos na magsasaka na natagpuang nakahandusay sa palayan sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Romeo Simon, Jr, walang asawa at residente ng Brgy. Capanikian sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni PMAJ Mario Maraggun, hepe ng PNP-Claveria na sa kabila ng komplikasyon ng kanyang mga sakit at pagpigil ng mga kaanak ay nagpumilit ang biktima na puntahan ang kanyang bukid pasado alas-singko ng madaling araw upang ihanda ngayong planting season.

Dakong alas-otso ng umaga ay natagpuan na lamang ito nang kanyang mga kaanak na nakahandusay, nasa 100 metro ang layo mula sa kanyang bahay.

Pinaniniwalaang inatake sa ng kanyang sakit ang biktima at ayon sa mga kaanak ay mayroon na itong maintenance na gamot para sa hypertension.

-- ADVERTISEMENT --

Idineklara namang dead on arrival ng sumuring doctor ang biktima nang isugod ito sa pinakamalapit na pagamutan.