May operasyon pa rin ang nasa 100 na Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa bansa ilang buwan matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang total ban.
Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) chief Gilbert Cruz, batay sa report mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), bagamat marami na Pogos ang ipinasara, halos 100 pa ang kanilang namomonitor na may operasyon.
Ayon kay Cruz, binabantayan pa rin nila ang iba pang Pogos, na noon ay nasa 200, ngayon ay halos 100 na lamang.
Idinagdag pa ni Cruz na tiyak na mahuhuli pa rin ang mga ito kahit pa maghihiwalay ang mga ito sa maliliit na grupo.
Matatandaan na ipinagbawal ni Marcos ang Pogos sa bansa dahil sa sangkot ang mga ito sa mga iligal na aktibidad tulad ng financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture at maging pagpatay.