Sinalakay ng nasa 100 na pulis ang Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound sa Barangay Buhangin sa Davao City para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy at kanyang mga kasama kaninang madaling araw.

Si Quiboloy ay wanted sa mga kasong child abuse, sexual abuse at qualified trafficking sa Davao at Pasig courts.

Sinalubong sila ng mga tagasunod ni Quiboloy ng protesta sa gate at hiniling na mabigyan ng hustisya ang pastor.

Isinilbi ang arrest warrants laban sa nagtatagong si Quiboloy at limang iba pa.

Sinabi ni Police Regional Office 11 – Public Information Office chief Major Catherine Dela Rey na isinilbi ang arrest warrants kaninang 4:00 a.m.

-- ADVERTISEMENT --

Tatlong warrants of arrest ang isinilbi ng PNP laban kay Quiboloy at limang iba pa na inisyu ng RTC ng Davao para sa child abuse, ibang sexual abuse at ang Pasig court naman ay para sa anti-trafficking in person act of 2000.