TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang isang operator ng motorized bangka sa bayan ng Santa Ana, Cagayan na tutulungan sila ng mga kaukulang ahensiya at kanilang lokal na pamahalaan matapos masira ang kanilang mga bangkang pangisda bunsod ng pananalasa ng bagyong ‘Egay’.
Sinabi ni Amorada Corpuz, isa ang totally damaged habang pito ang partially damaged sa kanyang mga bangka.
Ayon sa kanya, batay sa sinabi sa kanila ng isang kagawad ay nasa 30 bangka ang sinira ng bagyo sa iba pang coastal areas ng kanilang bayan.
Sinabi ni Corpuz na inilagay naman nila sa ligtas na lugar ang kanilang mga bangka subalit biglang nagkaroon ng malalakas na ulan at hangin kung saan ay nagsalubong ang tubig mula sa ilog at dagat na nagdulot ng banggaan at pagbaliktad ng kanilang mga bangka.
Bukod dito, mayroon din umanong tatlong bangka ang nawawala na maaaring tinangay ng alon.
Ayon sa kanya, ang tottaly damaged na bangka niya ay nagkakahalaga ng P240, 000.