Hindi karaniwan ang paghahalo ng space exploration at animal protection sa “NASA wildlife conservation.”

Gayonman, ito ay isang mahalagang innovation sa gitna ng global warming at iba pa na banta sa maraming species.

Gumagamit ngayon ang NASA ng sattelites para subaybayan ang mga lugar na may endangered species tulad ng mga tigre, jaguars, at mga elepante.

Ayon kay Keith Gaddis, ecological conservation program manager sa NASA Headquarters sa Washington, nakakatulong ito sa mga scientists sa pagmonitor sa habitats na mahirap puntahan at nangangailangan ng maraming oras kapag nagsagawa ng survey sa lupa na mahalaga para sa mga hayop tulad ng mga tigre na umiikot sa malaking teritoryo.

Ayon sa space agency, nasa 93 percent ang nawala sa historical range ng mga tigre, at 3, 700 hanggang 5, 000 ang natitira.

-- ADVERTISEMENT --

Bilang tugon, gumagamit ang NASA wildlife conservation ng mga sumusunod na teknolohiya para sa near-real-time habitat monitoring tulad ng
Landsat satellites, Moderate Resolution Imaging Spectroradiometer (MODIS) Imagers, at Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS).

Ang mga nasabing bagay ay may nakita na kagubatan na maaaring tirhan ng mga tigre.

Sinabi ng mga scientists na makakatulong ito upang mapataas ang land base ng mga tigre sa 50 percent.

Ginawa rin ito ng NASA sa mga jaguars sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang data para sa wildlife conservationists.

Maaari umanong gamitin ng mga managers at conservationists ang bagong spatial information para makita ang mga kasalukuyang forest zoning na nagpoprotekta sa mga hayop at maaaring mangangailangan ng reevaluation.

Ginagamit din ng Bhutan ang NASA wildlife conservation data para protektahan ang mga nanganganib nang maubos na Asian elephants.

Naghahanap ang bansa ng angkop na habitats para sa mga elepante para isalba sila mula sa pagkaubos.