TUGUEGARAO CITY- Umaalma na ang Grains Retailers Confederation of the Philippines o GRECON sa kawalan pa rin ng aksion ng pamahalaan para ibaba ang presyo ng bigas matapos na aprubahan ang Rice Tarrification Law.

Binigyan diin ni Orly Mamuntag, spokesperson ng grupo na hanggang ngayon ay wala ang sinabi ng pamahalaan na maibaba sa P7 pesos ang presyo ng bigas sa sandaling maipasa ang RTL.

Ayon sa kanya, hindi naman maaaring iasa sa mga private traders at importers ang pagbaba sa presyo ng bigas dahil sa income oriented ang mga ito.

Dahil dito, sinabi ni Mamuntag na ikinababahala nila na mawawalan ng trabaho ang mga umaasa lang sa pagbebenta ng NFA rice na mga miembro ng GRECON.

-- ADVERTISEMENT --

Ito aniya ay dahil sa mauubos na umano ang stock ng National Food Authority sa bigas na ibinebenta ng accredited rice retailers at ang posibleng maiiwan ay ang mga may kakayahang makipagsabayan sa mga nagbebenta ng commercial rice.

ang tinig ni Mamuntag

Bukod dito, sinabi ni Mamuntag na na rin sila magtataka kung sa mga susunod na panahon ay walang nang magsasaka ng palay at ibebenta na lang ang kanilang mga sakahan.

Ayon sa kanya, ito ay dahil sa murang bilihan ng mga traders sa kanilang produkto.

muli si Mamuntag