TUGUEGARAO CITY-Mahigit dalawang bilyong piso ang halaga ng nasirang pananim na mais sa rehiyon dos dahil sa naranasang tagtuyot.

Ayon kay Roberto Busania,Regional Technical Director for operations and extension ng Department of Agriculture (DA)-Region 02,may kabuuang 88,619 na ektarya ang naapektuhang maisan sa rehiyon.

Sa Cagayan, sinabi ni Busania na 13,514 hectares ang partially damaged habang 4,312 hectares ang totally damaged na may kabuuang 17,826 hectares ang naapektuhan dahil sa kawalan ng tubig ulan.

Pinakamalawak namang naapektuhan ang probinsiya ng Isabela na may partially damaged na 61,837 hectares at total damage na 4,365 kung kaya’t mayroong 66,202 hectares..

Sa Quirino, may 10,009 hectares ang partially damaged habang 1,750 hectares ang total damaged na may kabuuang 11,759 hectares na naapektuhan at sa Batanes ay may total damaged na 12.9 hectares.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuan, umabot sa P2,021,083,000 ang halaga ng nasirang mais sa Region 02.

Kaugnay nito, sinabi ni Busania na humiling na ang DA-Region 02 ng hybrid seeds na ayuda sa central office para sa mga naapektuhang mahigit 66,000 magsasaka.

Aniya, maipapamahagi sa dry season ang naturang binhi kung ito’y maaaprubahan.

Samantala, umaasa si Busania na magiging tuluy-tuloy ang ulan na nararanasan sa rehiyon para magkaroon pa ng tiyansa na mamunga ang ilang mga pananim na mais.

Tinig ni Roberto Busania