Plano ng National Amnesty Commission na magtatag ng karagdagang Local Amnesty Boards.

Ang hakbang na ito ay makakatulong para maproseso ang mga natanggap ng komisyon na mga aplikasyon para sa Amnestiya ni PBBM para sa dating miyembro ng rebeldeng grupo.

Sa isang press conference, inihayag ni NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento na nakapagtayo ang komisyon ng siyam na Local Amnesty Boards.

Ayon sa NAC, naging matagumpay ito mula sa tulong at suporta ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unit.

Paliwanag ni Armamento, ang itatayong karagdagang Local Amnesty Boards ay ilalagak sa iba’t ibang lugar sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Malaking tulong rin ito para mapadali para sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF na makapag sumite ng aplikasyon para sa amnestiya ni PBBM.

Kaugnay nito ay nanawagan ang opisyal sa iba pang miyembro ng mga rebeldeng grupo na samantalahin na ang naturang pagkakataon.