Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ganap na batas ang P6.3 billion national budget para sa 2025.

Isinagawa ang paglagda sa budget sa seremonya sa MalacaƱang, kasabay ng paggunita sa Rizal Day ngayong araw.

Ang final version ng proposed national budget para sa susunod na taon ay may budget cuts sa Department of Social Welfare and Developmen (P86 billion), Philippine Health Insurance Corporation (P74.5 billion) at Department of Education (P12 billion).

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na vineto niya ang mahigit P194 billion na halaga ng line items na hindi tugma sa program priorities sa ng kanyang administration.

Kabilang dito ang unprogrammed items ng DPWH.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinatupad ang bawas sa DepEd sa kabila ng probisyon sa ilalim ng 1987 Constitution na nakasaad na dapat ay maglalaan ng pinakamataas na budgetary priority sa education sector.