Ang National Economic and Development Authority (NEDA) ay naniniwala na ang pagpapalakas ng sektor ng enerhiya at transportasyon ay mahalagang hakbang upang mapanatiling stable ang inflation sa bansa.
Ito ay matapos na ireport ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng inflation rate ng bansa mula 3.9% noong Mayo patungo sa 3.7% nitong Hunyo.
Malaki aniya ang epekto ng pagbaba ng singil sa kuryente at sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga petrolyo noong Hunyo.
Dahil dito ay bumaba ang presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo.
Kumpiyansa naman si NEDA Secretary Arsenio Balisacan na maabot ang target inflation rate na 3% hanggang 4%, lalo na kung magpapatuloy ang pagbaba ng singil sa kuryente at ang rollback sa presyo ng langis.