
Magsasagawa muli ang Philippine Statistics Authority (PSA) Region 2 ng national ID registration na magsisimula sa Enero 19.
Sinabi ni Engr. Girme Bayucan, director ng nasabing tanggapan na magtatalaga sila ng mga tauhan na magsasagawa ng registration sa fixed registration center at sa mobile registration.
Ayon kay Bayucan, para sa mobile registration, iaanunsiyo nila ang schedule ng mga lugar na pupuntahan ng mga magsasagawa ng registration.
Sinabi ni Bayucan na ang kanilang focus ngayon ay ang mga bagong panganak o 0 to 4 months old.
Gayunman, sinabi niya na maaari pa ring magparehistro ang mga hindi nagpaparehistro na edad apat pataas.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon pa kay Bayucan, kalahating milyon na lang ang kailangan nilang irehistro para makakuha ng national ID.










