TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa ng Nationwide Simultaneously Earthquake Drill sa March 12, 2020 kung saan magiging host ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO.
Ayon kay Retired Col. Atanacio Macalan Jr. ng PDRRMO, ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng 7.1 magnitude na lindol o ang “The Big one”.
Aniya, nakitaan ng fault line ang Cagayan partikular sa Brgy Peru, Lasam kung kaya’t nararapat lamang na maging handa ang bawat Cagayano.
Isasagawa ang Earthquake drill sa capitolyo katuwang ang lahat ng mga government agencies.
Kaugnay nito, hinimok ni Macalan ang publiko na makiisa at seryosohin ang isasagawang drill dahil malawak ang maapektuhan ng lindol kung ito’y tatama.
-- ADVERTISEMENT --