Sa pagsisimula ng 2026, isiniwalat ng mga followers ni Nostradamus ang bagong set ng nakakatakot na propesiya na iniuugnay ngayong taon.

Ipinanganak na si Michel de Nostredame, si Nostradamus ay isang French astrologer at physician na nabuhay noong 1500s at hinulaan ang ilang pangyayari ngayong modernong panahon, tulad ng maging makapangyarihan si Adolf Hitler, ang September 11 attacks sa Estados Unidos at ang COVID-19 pandemic.

Mas kilala siya sa kanyang libro na Les Prophetis (The Prophecies) na inilabas noong 1555, na naglalaman ng 942 poetic quatrains na binibigyang kahulugan para sa global events.

Bagamat ang orihinal na texts ni Nostradamus ay kulang sa eksaktong petsa, sinabi ng conspiracy theorists na ang 26th quatrains o mga tula ng kanyang libro ay tumutugma sa mga kaganapan ngayong 2026.

Noong 2025, hinulaan ni Nostradamus ang pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, ang asteroid na tatama sa mundo, natural disasters sa Brazil at isa pang outbreak ng “ancient plague.”

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa prediction ni Nostradamus ngayong taon ay ang nakasaad sa quatrain VII: 26 sa libro ni Nostradamus, na tumutukoy sa teorya na may mangyayaring naval confrontation.

Nakasulat dito ang “Foists and galleys around seven ships, a mortal war will be let loose.”

Ang naval war ay maaaring sangkot ang China na may matagal nang may territorial dispute sa South China Sea.

Ang China, Taiwan, Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia, at ang Pilipinas ang posibleng tinutukoy na “seven ships” sa propesiya ni Nostradamus.

Ayon sa mga ulat, ang mga pananaw ni Nostradamus sa mundo ay nag-ugat sa kanyang pagbabasa ng Old Testament at sa trauma matapos na pumanaw ang kanyang asawa at kanyang mga batang mga anak dahil sa sakit, na pinaniniwalaan na isang salot.

Dahil sa hindi niya nailigtas ang kanyang mga mahal sa buhay, inilaan niya ang kanyang panahon sa paghula sa mga kaganapan sa mundo.