Tututukan ngayon ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang mabilisang pag-isyu ng mga NBI clearances at ang paglaban sa mga cybercrime syndicates.

Sinabi nito na nais niyang maibalik ang tiwala ng publiko sa NBI na siyang normal na ipinapatupad naman ng mga bagong upong hepe ng iba’t-ibang ahensiya.

Aminado ito na hindi pa rin tumitigil ang mga online scammers kaya nais niyang matuldukan ang mga operasyon ng mga ito.

Magugunitang si Santiago ang ipinalit ni Pangulong Ferdinand Marcos kay Medardo Delemos na nagretiro na.

Bago naging NBI chief ay dati itong retiradong huwis at police.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtapos ito ng BS Criminology sa Philippine College of Criminology (PCCR) noong 1988 at naipasa ang abogasya sa Manuel L. Quezon University noong 1993.

Naging pulis ito sa Western Police District mula 1979 hanggang 2000.

Naging acting executive/presiding judge ng Regional Trial Courts (RTCs) ng Maynila at Tagatay at dating Metropolitan Trial Court Judge ng Manila City.

Nagsilbi siyang assistant prosecutor ng Department of Justice mula Oktubre 2003 hanggang Disyembre 2006.