Nagsagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) noong Huwebes ng search sa condominium unit ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa Bonifacio Global City, Taguig, kaugnay ng mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, saklaw ng search warrant ang pagbubukas ng vaults sa unit at pagkumpiska ng pera at dokumento na maaaring magsilbing ebidensya sa kasong iniimbestigahan.

Haharapin ni Co at 16 iba pa ang malversation at graft charges sa Sandiganbayan kaugnay ng P289 milyong substandard road dike project sa Oriental Mindoro.

Idineklara na rin ng Sandiganbayan si Co bilang “fugitive from justice” at iniutos ang pagkansela ng kanyang Philippine passport ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa korte, may malinaw na pattern si Co ng pag-iwas sa pagpapatupad ng batas at pagsunod sa subpoenas, kabilang ang hindi pagsagot sa House of Representatives at Ombudsman.

-- ADVERTISEMENT --