Patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa mga katiwalian ng ilang empleyado ng gubyerno sa lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, kinumpirma ni Atty. Gelacio Bongngat, director ng NBI-RO2 na nasa monitoring nila ang mga kawani ng gobyerno na inirereklamo ukol sa pangingikil sa kanilang mga kliyente.

Babala ni Bongngat na ilan sa mga tiwaling nagtatrabaho sa gobyerno sa Cagayan ay nasa kanilang listahan na para sa isang entrapment operation upang maaresto.

Bukod pa dito, tiniyak ni Bongngat ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga kurakot na taga-gubyerno.