
Ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Batangas Representative Leandro Leviste at dating kongresista Jing Paras kaugnay ng iniimbestigahang umano’y plano na idawit sa isang gawa-gawang kontrobersiya si Executive Secretary Ralph Recto, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.
Sinabi ni Matibag na batay sa testimonya ng isang nasagip na biktima ng human trafficking, umano’y inalok sila ng bayad kapalit ng paglikha ng kuwento at pagpirma sa affidavit laban kay Recto. Ayon pa sa NBI, nakarekober din sila ng cellphone na naglalaman umano ng mga pag-uusap na may kaugnayan sa naturang plano at na-archive na ang mga laman nito bilang ebidensya.
Inaasahang lalagdaan ng NBI ang subpoena laban kina Leviste at Paras at ipapadala ito sa lalong madaling panahon. Samantala, itinanggi ni Paras ang mga paratang at sinabing sasagutin niya ang mga ito sa tamang pagkakataon, habang sinabi naman ni Leviste na handa siyang harapin ang isyu at nagbigay rin ng sariling pahayag kaugnay sa mga alegasyon.










