Magpapadala ng subpoena ang National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag kina Ramon Suzara, Dexter Estacio, at John Lester Buencosejo kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Matibag, ipapatawag ang mga opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee upang magbigay ng testimonya at magsumite ng mga dokumento kaugnay ng imbestigasyon sa bidding at pondo ng mga proyekto para sa SEA Games.

Sinabi rin ni Matibag na hihingin nila ang paliwanag ng mga opisyal tungkol sa naging papel ni Senador Alan Peter Cayetano sa organisasyon.

Nilinaw naman ng NBI director na wala ang pangalan ni Cayetano sa rekord ng Securities and Exchange Commission bilang opisyal ng PHISGOC. Nauna nang binatikos nina Cayetano at Senador Pia Cayetano ang imbestigasyon at itinuring itong pananakot sa senador na bahagi ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.