
May mga lead umano ang National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y huling kinaroroonan ni businessman Atong Ang.
Sinabi ni NBI spokesperson Palmar Mallari na may mga address sila sa huling lugar kung saan nakita ang mga akusado kabilang si Ang.
Naglabas ang regional trial court sa Sta. Cruz, Laguna ng arrest warrants laban kay Ang at iba pa sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa mga missing sabungeros.
Sinabi ni Mallari na tiwala silang nasa bansa si Ang.
Sinimulan ng Philippine National Police (PNP) ang paqgpapatupad ng arrest warrant kahapon.
Samantala, kinumpirma ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court Br. 13 ng Lipa City, Batangas laban kay Atong Ang.
Ang warrant of arrest ay sa kasong kidnapping with homicide na walang piyansa kaugnay pa rin sa kaso ng missing sabungeros.







