Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na pulis sa Nueva Vizcaya dahil sa umano’y pagtatanim ng ebidensya.
Ayon sa NBI, isinampa ang kaso noong July 29 sa Office of the Provincial Prosecutor para sa paglabag sa Revised Penal Code at iba pang batas laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan at obstruction of justice.
Batay sa desisyon ng Regional Trial Court, pinawalang-sala ang isang akusado matapos matukoy na peke ang mga baril na isinumite bilang ebidensya, kabilang ang isang pirasong “metal scrap.”
Kinondena rin ng hukuman ang paglabag ng mga pulis sa karapatang pantao ng akusado.
Idiniin ng NBI na walang lugar sa batas ang maling pagbibintang at pagpeke ng ebidensya ng mga tagapagpatupad ng batas.
-- ADVERTISEMENT --