TUGUEGARAO CITY- Naka- temporary lockdown ngayon ang tanggapan ng National Bureau of Investigation o NBI Region 2 matapos magpositibo sa covid-19 ang isa sa anim na hinuli na umano’y nangingikil sa mga contractor.
Sinabi ni Atty. Gelacio Bongngat, nasa covid ward na ang nasabing indibiduwal habang ang kanyang mga kasama ay nasa NBI office kasama ang 10 na personnel ng tanggapan na may direct contact sa nagpositibo para sa kanilang quarantine.
Sinabi ni Bongngat na apat sa anim ang nakapagpyansa na ng tig-P120,000.
Ayon kay Bongngat, hiniling na rin nila sa Cagayan Valley Medical Center na isalalim sa swab test ang mga naka-quaratine sa kanilang opisina.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga urgent ang pangangailangan ng NBI clearance na magtungo sa kanilang tanggapan sa Ilagan, Isabela.
Matatandaan na nahuli ang anim na suspect sa entrapment operation ng NBI matapos magreklamo ang mga contractor na kanilang kinikilalan sa Santiao City.