Wala pang tinitignan na potential person of interest ang National Bureau of Investigation kaugnay sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na may kinausap umano siya na papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung magtatagumpay ang plano na siya ay patayin.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ito ang dahilan kaya nais nilang ipa-subpoena si Duterte, upang maipaliwanag niya ang kanyang mga sinabi noong madaling araw ng Sabado na itinuturing ng mga awtoridad na banta sa buhay ni Marcos at usapin ito ng national security.

Ayon kay Santiago, aasahan na hindi sasabihin ni Duterte ang pagkakakilanlan ng sinabi niyang tao na kanyang nakausap na pumatay kay Marcos, maging sa kan yang asawa na si Liza at House Speaker Martin Romualdez.

Gayonman, umaasa pa rin si Santiago na magpapaliwanag si Duterte kung bakit niya sinabi ang mga nasabing pahayag.