TUGUEGARAO CITY-Ibinunyag ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na pinapasok na ng mga pribadong kumpanya ang mga lupaing ninuo o ancestral domain ng mga katutubo sa Rehiyon.

Ayon kay Atty Ruben Bastero, Director ng NCIP RO2 na batay ito sa mga reklamo na kanilang natatanggap mula sa mga katutubo sa Cagayan at Isabela na basta na lamang pinapasok ang kanilang ancestral domain at namumutol ng mga kahoy at iba.

Aniya, bagamat karapatan ng mga indigenous people na i-develop at protektahan ang kanilang ancestral domain ay hindi umano nila ito kayang ipagtanggol dahil sa kakulangan nila ng lakas at pinag-aralan.

Kaugnay nito, nanawagan si Bastero na kilalanin ang karapatan ng mga katutubo sa ancestral domain.

Sa ngayon, plano ng NCIP na kausapin at pagpaliwanagin ang mga ilang pribadong kumpanya na inirereklamo ng mga katutubo sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --