Muling nagkampeon ang National Capital Region (NCR) sa katatapos na 2024 Palarong Pambansa.

Sa final tally, nakakuha ang NCR ng kabuuang 238 medals sa mga sinalihang laro.

Sa nasabing bilang, 98 ay gold medals, 66 na silver at 74 na bronze.

Sumunod sa NCR ang Region IV-A o Calabarzonb na nakakuha ng 57 golds, 41 silver at 53 bronze.

Pangatlo ang Region VI o Western Visayas na may 56 golds, 41 silver at 41 bronze.

-- ADVERTISEMENT --

Pumang-apat ang Davao Region at panglima ang host region na Central Visayas.

Dumalo sa closing ceremony si outgoing Education Secretary at Vice President Sara Duterte na nagbigay ng kanyang talumpati.

Samantala, pang-14 ang Region II na may 7 golds, 15 silver at 22 bronze o kabuuang 44 medals.