
Patuloy ang dominasyon ng National Capital Region o NCR sa partial at unofficial medal tally ng Palarong Pambansa 2026 batay sa tala hanggang alas onse ng gabi ng Mayo 27, 2026.
Nangunguna ang NCR matapos makalikom ng 25 gintong medalya, 15 pilak, at 21 tansong medalya para sa kabuuang 61 medalya.
Pumapangalawa naman ang CALABARZON o Region IV-A na may 18 ginto, 16 pilak, at 10 tanso para sa kabuuang 44 medalya.
Nasa ikatlong puwesto ang Central Visayas o Region VII na may 13 ginto, 12 pilak, at 10 tanso o kabuuang 35 medalya.
Kasunod sa ikaapat na puwesto ang Western Visayas o Region VI na may 9 ginto, 14 pilak, at 10 tanso para sa kabuuang 33 medalya.
Pumasok naman sa top five ang Negros Island Region o NIR na may 7 ginto, 6 pilak, at 3 tansong medalya o kabuuang 16 medalya.
Nasa ikaanim ang Bicol Region o Region V na may 7 ginto, 5 pilak, at 6 tanso o 18 medalya, habang nasa ikapito ang Northern Mindanao o Region X na may 6 ginto, 8 pilak, at 9 tanso para sa kabuuang 23 medalya.
Pumuwesto naman sa ikawalo ang Davao Region o Region XI na may 5 ginto, 10 pilak, at 5 tanso o 20 medalya.
Tabla sa limang gintong medalya ang Central Luzon o Region III at Eastern Visayas o Region VIII. May kabuuang 16 medalya ang Region III habang may 18 medalya naman ang Region VIII.
Samantala, kabilang din sa mga nakapagtala ng medalya ang Caraga Region, Ilocos Region, Zamboanga Peninsula, National Academy of Sports o NAS, SOCCSKSARGEN, Cordillera Administrative Region o CAR, MIMAROPA, Cagayan Valley, at BARMM.
Patuloy namang target ng NCR na masungkit ang isa na namang overall championship sa pambansang palaro ngayong taon.




