Nakatakdang idaos ang necrological service sa Senado para kay dating senate president Juan Ponce Enrile.

Sa abiso mula kay Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr., idaraos ito sa Miyerkules, November 19 mula alas-nuwebe ng umaga.

Gagawin ito sa Session Hall ng Senado.

Nakatakda ring magkaroon ng arrival honors para sa dating senador.

Matapos ang necrological service, papayagan ang viewing para sa mga imbitadong guests at authorized personnel sa Senado.

-- ADVERTISEMENT --

Si Enrile ay unang nagsilbi sa Senado noong 1987 at muling nanalo noong 1995.

2008 ito naging Senate President matapos magbitiw si dating senador Manny Villar.

Bago ito pumanaw, nagbalik si Enrile sa Gobyerno bilang Chief Presidential Legal Counsel ng Marcos Jr. administration.