TUGUEGARAO CITY- Hinimok ng National Economic and Development Authority o NEDA ang mga local government units na maghanap ng mga infrastructure projects.
Sinabi ni Ferdinand Tumaliuan, Assistant Regional Director ng NEDA Region 2 na isa sa mga hamon sa mga LGUs na ang mag-identify ng mga infrastructure projects ay gumawa ng proposal para pondohan ng pamahalaan sa ilalim ng “Build, Build, Build,” program ng pamahalaan.
Ayon kay Tumaliuan, na isa sa layunin ng nasabing programa ng pamahalaan ay para maging mas competitive ang Region 2.
Inihalimbawa ni Tumaliuan ginagawa ngayong feasibility study ng Department of Public Works and Highways sa proposed tunnel sa Caraballo mountains sa Santa Fe na magdudugtong sa Region 2 sa iba pang rehion.
Bukod dito, sinabi niya na pinaplano din na magkaroon ng mga coastal roads sa mga coastal towns ng Isabela.