Patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang negosyante at dalawang kasamahan kasama ang driver nito na pinagbabaril ng hindi pa matukoy na suspek sa bayan ng Solana, Cagayan, kaninang 5:35 ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan ang biktimang si Tony De Asis at sugatan ding isinugod sa pagamutan ang kanyang driver na si Joven Belango at ang kanilang kasama na Julian Romero, pawang mga residente sa Barangay Centro.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni P/Cpt. Junjun Balisi, hepe ng Solana-PNP na lulan ng isang Pajero ang mga biktima at patungo sa lungsod ng Tuguegarao nang sila ay harangan at pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang kulay gray na montero sa Barangay Centro Southwest.

Natagpuan sa crime scene ang mga basyo ng bala ng 9MM at cal.45.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaril.

-- ADVERTISEMENT --