Natagpuang patay na ang isang negosyante at ang kanyang driver sa Rodriguez, Rizal na unang dinukot noong March 29, sa kabila na nagbayad ng ransom.

Nakita ang labi ni Anson Que, may-ari ng Elison Steel sa Valenzuela, at ang kanyang driver sa Barangay Macabud.

Inilagay ang kanilang mga katawan sa nylon bag at binalutan ng duct tape ang kanilang mga mukha.

Dinukot si Que at ang kanyang driver sa Bulacan.

Nitong araw ng Martes, nakita ang sasakyan ng dalawa sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng mga residente sa lugar sa pulisya na dalawang lalaki na nakasuot ng hoodies ang nag-iwan sa sasakyan noong March 29 ng hapon.

Sinabi ng pamilya ng negosyante sa mga awtoridad na nakatanggap sila ng mensahe sa kidnappers at himingi umano sila ng milyong-milyong dulyar bilang ransom.

Samantala, sinibak ang bagong promoted na si Brig. Gen. Elmer Ragay bilang pinuno ng PNP Anti-Kidnapping Group at pinalitan siya ni Col. David Poklay, deputy chief ng Criminal Investigation and Detection Group dahil sa nasabing insidente.

Subalit, tumangging magbigay ng karagdagang detalye si Calabarzon police director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ukol dito.