TUGUEGARAO CITY-Nasa kustodiya na ng kapulisan ang isang negosyante matapos magbenta ng overpriced na alcohol sa bayan ng Piat,Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Irene Francisco, 38-anyos, residente ng Poblacion 2.
Ayon kay P/Lt Arlene Perez, hepe ng PNP-Piat, agad nagsawa ng operasyon ang kanilang hanay nang makatanggap ng impormasyon sa pagbebenta ng suspek ng overpriced na alcohol.
Aniya, sa isang galloon na naglalaman ng 3.78 na litro ay ibinenta umano ng suspek sa poseur buyer ng P720 gayong P150 lamang ang suggested retail price ng isang litro ng alcohol.
Dahil dito, nang mag-abutan ang poseur buyer at supek ay dito na hinuli si Perez.
Nakuha mula sa suspek ang 69 galloon ng alcohol na nakalagay mismo sa tindahan nito.
Depensa naman umano ng suspek na binili lamang niya ang mga ibinebentang alcohol ng P650 kada gallon kung kaya’t pinatulangan lamang niya ito.
Samantala, batay sa salaysay ng suspek, nakilala lamang niya ang nagdeliver sakanyang ng alcohol sa Brgy. Maguilling sa kaparehong bayan at nitong araw lamang ng biyernes naideliver sa kanya ang mga alcohol.
Sa ngayon, nahaharap si Perez sa paglabag sa R.A 11469 o Bayanihan Heal as One Act, R.A 7581 o Price Act at R.A 7394 Consumer Act of the Philippine.