TUGUEGARAO CITY- Malaking pagkakautang ang isa sa nakikita ng PNP na dahilan ng pagbigti umano ng isang negosyante sa Tuguegarao City kahapon.
Kinilala ni PLT. Isabelita Gano ng PNP Tuguegarao ang biktima na si Rodel Tagibao, 38, ng Centro, Enrile at may catering services na negosyo.
Sinabi ni Gano na sa kanilang imbestigasyon, pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid sa San Gabriel noong October 15.
Kahapon ay iniwan si Rodel ng kanyang kapatid na si Ricardo at kanyang asawa para sa kanilang hanapbuhay.
Nang umuwi na ang mag-asawa kagabi ay pilit nilang binuksan ang bintana dahil sa naka-lock ang pintuan.
Nang makapasok na sila ay nakita nila si Rodel na nakabitin na sa kanilang silid.
Sinabi ni Gano na sa kanilang pagtatanong sa ina ng biktima, may sinasabi umano siya na malaking pagkakautang.
Ayon naman sa kaibigan ng biktima na kasama niya sa negosyo, utang at depressed si Rodel.
Sinabi pa ng kaibigan na mahilig din kasi umano sa sugal si Rodel.
Kaugnay nito, sinabi ni Gano na iniimbestigahan pa kung may fowl play sa nasabing insidente.