Wala ng buhay ang isang 37 anyos na negosyante nang matagpuan sa kanilang bahay sa Brgy.Nagatattan, Pamplona Cagayan.

Kinilala ni PSSG John Emmanuel Aguinaldo, imbestigador ng pnp pamplona ang biktima na si Ronel Bumanglag, fish dealer at residente ng nasabing barangay.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang kapulisan kaugnay sa bangkay na natagpuan sa isang kwarto.

Agad naman aniyang nagtungo ang mga otoridad sa nasabing lugar upang magsagawa ng imbestigasyon.

Lumabalabas sa imbestigasyon na nakita umano ang biktima ng kanyang kaibigan na bibisita at gigisingin sana siya sa kaniyang bahay ng umaga nang mapansin nitong walang bumubukas ng pintuan dahilan upang umakyat ito sa kisame ng bahay at doon na tumambad ang wala ng buhay na biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Wala namang nakikitang foul play sa pangyayari at ang dahilan ng pagkamatay ni Bumanglag ay dahil sa atake sa puso.