Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Negros Occidental Rep. Jose Francisco “Kiko” Bantug Benitez bilang bagong Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).
Ginawa ni Marcos ang appointment kasunod ng resignation ni Suharto Mangudadatu sa puwesto noong buwan ng Hulyo.
Sinabi naman ng Malacañang na napili i Benitez sa nasabing puwesto dahil sa malawak nitong karanasan sa education, development at public service bilang chairma ng House committee on housing and urban development.
Ayon sa Presidential Communications Office, si Benitez ay may doctorate in Philosophy at kilalang champion sa pagsusulong ng mga legislations sa social equity, economic growth at ecological sustainability.