Magpapakabit ang Nepal ng panibagong early-warning system para sa landslide at pagbaha sa Timure, Rasuwa, malapit sa border nito sa China, isang linggo matapos ang malawakang glacial flood na ikinasawi ng mahigit 1,100 katao.

Kabilang sa ilalagay ang seismic sensors, cameras at satellite-based VSAT system para manatiling konektado ang mga monitoring station kahit mawalan ng mobile signal. Layunin nitong matukoy agad ang pagtaas ng tubig o panibagong pagguho at makapagpadala ng babala sa mga komunidad sa ibabang bahagi ng ilog.

Ayon sa Nepal disaster agency, papalitan ng mga bagong monitoring station ang mga sistemang inanod ng baha. Bagama’t humupa na ang banta mula sa dalawang barrier lake na nabuo matapos ang pagguho ng glacier, nananatiling hindi matatag ang terrain sa lugar.