
Tumaas nang higit sa 1,600% ang net worth ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula P79 milyon noong 2005 bilang gobernador ng Ilocos Norte, patungong P1.375 bilyon sa katapusan ng 2024 bilang pangulo ng bansa.
Batay sa SALN ni Marcos at pagsusuri ng Cuervo Appraisers, lumago ang yaman ng pamilya Marcos–Araneta mula P120 milyon noong 2007, P180 milyon noong 2008, at umabot sa P619 milyon noong 2016 matapos ang kanyang termino bilang senador.
Noong 2022, bago manalo sa pagkapangulo, nasa P908 milyon ang kanilang net worth, at sa huling deklarasyon sa ilalim ng Civil Service Commission noong 2024, umabot ito sa P1.375 bilyon.
Batay sa pagsusuri, ang paglago ng yaman ay dahil sa mga investments, bahagi sa mga ari-arian, stock shares, at art collection, kahit pa may mga nakabinbing obligasyon na milyon-milyon.










