Hindi na umano katanggap-tanggap ang bagong presyo at timeline para sa pagkumpleto sa bagong Senate building sa Taguig City.

Sa pagtukoy ni Senator Alan Peter Cayetano sa sulat mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi niya na ang tinatayang halaga ng gusali ay nasa P31.67 billion, o P33.07 billion kung isasama ang furniture at lupa.

Una rito, inatasan ni Senate President Francis Escudero si Cayetano na pangunahan ang review sa proyekto, lalo na ang pagtaas ng halaga ng konstruksion ng gusali.

Sinabi ni Cayetano na ang cost estimate para makumpleto ang gusali ay base sa lahat ng impormasyon na hawak nila na walang pagbabago sa disenyo.

Ayon sa kanya, galing sa iba’t ibang sources, suppliers at consultants ang nasabing cost estimate ng poyekto.

-- ADVERTISEMENT --