TUGUEGARA CITY- Muling aapela ang National Food Authority sa NFA Council na dagdagan ng dalawang piso ang pagbili nila ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.

Sinabi ni Dr. Emerson Ravilas, manager ng NFA Cagayan na hindi kasi pinagbigyan ng konseho ang kanilang kahilingan nitong nakalipas na anihan.

Ayon sa kanya, mula sa P19 ay gagawing P21 ang pagbili sana nila ng palay para makasabay sila sa bilihan ng mga private traders na nagtaas na rin ng kanilang presyo.

Sinabi niya na kung itataas ang bilihan nila ng palay ay tiyak na madagdagan ang kanilang stock lalo na ngayon at nagkakaubusan na ng palay dahil sa malaking volume na ang kanilang naipamahagi ngayong covid-19 pandemic.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Ravilas

Umaasa si Ravilas na sa susunod na anihan ngayong agosto at sa mga susunod na buwan ay mapagbibigyan ang kanilang kahilingan.

Ayon kay Ravilas, makakatulong din ito ng malaki sa mga magsasaka na kadalasan ay bumababa ang presyo ng palay sa panahon ng tag-ulan o sa second cropping.