TUGUEGARAO CITY- Hiniling ng National Food Authority- Cagayan sa mga magsasaka na huwag munang ibenta ang kanilang na-aning palay kung hindi pa naman kailangan ang pera.
Itoy matapos tumaas ng bahagya ang buying price ng mga private traders sa palay dahil sa Rice Tarrification Law.
Paliwanag ni NFA Provincial Manager Emerson Rabilas, may panukala ang ahensiya sa mga traders na taasan ng hanggang P21 kada kilo ang buying price sa palay.
Malaking tulong aniya ang piso o dalawang piso kada kilo na maidaragdag sa kita lalo na sa mga maliliit na magsasaka.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon kay Rabilas, nasa mahigit-kumulang 40% ng mga palay ang hindi pa naaani o naibebenta ng mga magsasaka sa Cagayan Valley.