TUGUEGARAO CITY- Sisimulan na ngayong linggo ng National Food Authority sa Cagayan ang paggiling sa mga palay sa kanilang mga warehouse.

Sinabi ni Vicenta Gammad, senior grains operations officer ng NFA- Cagayan na ito ay para mabawasan ang mga palay sa kanilang mga bodega upang makabili ng mga palay sa susunod na anihan sa Oktubre.

Ayon sa kanya, puno kasi ang anim na bodega ng NFA sa Cagayan at hindi kakayanin na iimbak ang mga bibilhing palay.

Sinabi ni Gammad na ililipat rin nila ang ilang bags ng palay sa Isabela at posibleng sa isang private warehouse sa Camalaniugan na nagpahayag na handang ipahiram ang kanyang bodega.

Sinabi ni Gammad na 100,000 ang kayang iimbak sa isang warehouse ng NFA sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Gammad

Kaugnay nito, sinabi ni Gammad na kasalukuyan na ang training ng mga acting warehouse supervisors at acting grains classifiers para sa procurement ng palay sa anihan.

Samantala, sinabi ni Gammad na walang katotohanan na P8 ang bilihan sa mga palay ng mga magsasaka.

muli si Gammad