Aminado ang Department of Agriculture (DA) Region 2 na hindi kayang bilhin ng National Food Authority (NFA) ang lahat ng mga palay at mais ng mga magsasaka dahil sa kakulangan ng pondo at bodega.
Sinabi ni Narciso Edillio, director ng DA-RO2 na bukod sa kulang ang pitong bilyong piso na pondo para sa pagbili ng palay at mais sa buong bansa ay puno na umano ang mga warehouse ng NFA sa rehiyon.
Dahil dito, pinayuhan ni Edillio ang mga magsasaka na gumamit ng mga local seeds para mabawasan ang gastusin sa production cost lalo na sa palay na bumagsak ang presyo.
Umapela rin siya sa mga local chief executives na gumawa ng mga kaukulang hakbang para matulungan ang mga magsasaka sa kanilang nasasakupan.