TUGUEGARAO CITY-Mas magiging malawak ang matutulungan ng National Food Authority (NFA) sa pagbili ng aning palay kung ma-aaprubahan ang kahilingan ng mga kongresista na gawing P15 bilyon ang pondo ng ahensiya para sa susunod na taon.

Ayon kay Regional Director Rocky Valdez ng NFA-Region 2, kulang na kulang umano ang P7 bilyong pondo ng kanilang ahensiya dahil sa mataas ang production ng mga local farmers.

Aniya, ang P7 bilyon ay sapat lamang umano na pambili ng palay sa Rehiyon dos at sa Cordillera Administrative Region (CAR)

Paliwanag ng director na ang palay industry ay isang multi-billion pesos na negosyo kung kaya’t ang pondo ng ahensiya ay hindi kayang makipagsabayan sa mga pribadong kumpanya ng bigas.

Sakabila nito, sinabi ni valdez na sa ngayon ay sapat pa ang pondo ng NFA sa pagbili ng mga aning palay ng mga magsasaka sa mas mataas na halaaga kumpara sa mga traders.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit, dahil masikip na ang mga bodega ng NFA ay pansamantalang itinigil ang pagbili ng palay.

Kaugnay nito,sinabi ni Valdez na makipag-ugnayan lamang ang mga magsasaka sa mga kalapit na opisina ng NFA para mabigyan ng impormasyon sa muling pagbili ng palay ang ahensiya.