

Nagbigay ng tips ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP para makatipid sa paggamit sa kuryente at para maiwasan ang madalas na power outage ngayong mainit at maalinsangan ang panahon.
Sinabi ni Malou Refuerzo, regional information officer ng NGCP na huwag gamitin ang mga malalakas magkonsumo ng kuryente sa peak hours mula 2:00 PM hanggang 7:00 PM tulad ng plantsa at washing machine.
Payo din ni Refuerzo na tanggalin ang saksakan ng mga appliances kung hindi ginagamit dahil kung naka-plug ang mga ito ay nagkokonsumo pa rin ito ng kuryente.
Kasabay nito, sinabi niya na nakatulong para maibsan ang unscheduled power interruption ang hindi pagiging fully operational ng mga malalaking establishments tulad ng mga malls sa quarantine restrcitions bunsod ng covid-19.
Tiniyak pa ng opisyal na maayos ang kanilang transmission lines at iba pang pasilidad.
Sinabi pa niya na tuloy-tuloy din ang pag-upgrade nila ng kanilang substation upang matiyak ang stable na power supply ngayon summer season.
Gayonman, sinabi niya na may pagkakataon umano na manipis ang supply at ito ang kanilang tinutugunan.




