Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa posibleng idulot ng bagyong Kiko sa mga transmission operation facilities sa Northern Luzon.

Sinabi ni Malou Refuerzo, Regional information & communication officer ng NGCP na nakahanda na ang kanilang pasilidad ng komunikasyon, mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng maaaring masirang pasilidad at gayundin ang deployment ng mga line crews sa ‘strategic areas’ sa daanan ng bagyo.

Nanatili namang naka-monitor ang kanilang Overall Disaster Command Center sa mga gawaing ukol sa pagkukumpuni ng mga pasilidad at pagbabalik ng kuryente.

Nakaantabay din sila sa mga pag-uulat at kaganapan partikular na sa bahagi ng extreme northern Luzon na tutumbukin ng bagyo.

Sa ngayon, nananatili pa namang normal ang transmission lines ng NGCP.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tuloy pa rin ang naka-schedule na power interruption sa ilang bahagi ng Cagayan bukas, September 11, subalit ito ay gagawin na lamang ng tig- 30 minuto sa umaga at sa hapon mula sa dating schedule na 7AM-6PM.