TUGUEGARAO CITY- Sinisikap ng crew ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na maibalik ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Cagayan at sa Apayao at Kalinga ngayong araw na ito.

Sinabi ni Malou Refuerzo ng NGCP Northern Luon Public Affairs Office na nagsasagawa na ng repair ang kanilang mga crew sa Lallo- Sta. Ana line.

Ayon sa kanya, may dalawang poste na natumba at mga tumabingi sa nasabing lugar dahil sa malakas na ulan at hangin kagabi dahil sa bagyong Maring.

Sinabi ni Refuerzo na restored na ang power transmission service sa Tuguegarao-Tuguegarao to Magapit line.

Dahil dito, himihingi ng pang-unawa si Refuerzo sa mga hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente dahil sa ginagawa ng kanilang line personnel ang lahat upang maibalik ito sa lalong madaling panahon.

-- ADVERTISEMENT --