TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ng pamunuan ng magat dam na hindi nag-released ng tubig ang kanilang hanay kasunod ng pagtaas ng tubig sa Cagayan river.
Pahayag ito ni Engr. Wilfredo Gloria ng National Irrigation Administration-Magat Dam ,sa nagkalat na balita sa social media na nagpalabas ng tubig ang magat na dahilan ng pagtaas ng Cagayan river.
Ayon kay Gloria, nitong ala una ng hapon, ngayong araw ay nasa 190.94 meters ang level ng tubig ang magat dam kung saan malayo pa ito spilling level.
Dagdag ni Gloria na nagbibigay ng abiso ang kanilang hanay bago ang kanilang pag-release ng tubig at hindi basta-basta na lamang nagpapalabas ng tubig.
Aniya, ang pagtaas ng cagayan river ay dahil sa walang tigil na pag-ulan na nararanasan ng rehiyon.
-- ADVERTISEMENT --