TUGUEGARAO CITY-Maaring hindi itutuloy ng National Irrigation Administration (NIA) Magat Dam Reservoir ang pagpapakawala ng tubig, bukas, December 6,2019.
Ayon kay Eduardo Ramos ng NIA Magat Dam Reservoir, bagamat una nang nagbigay ng abiso ang kanilang hanay na magpapakawala ng tubig bukas sa oras na 7:00 ng umaga, tinitignan pa rin ng kanilang hanay ang lebel ng magat dam.
Aniya, sa ngayon ay nasa 191.92 meters ang magat dam kung saan .58 meters below spilling level na 193 meters.
Sinabi ni Ramos na batay sa kanilang protocol,kapag narating na ang 192.5 meters na lebel ng tubig ay kailangan na nilang magpakawala ng tubig.
Ngunit dahil hindi pa nararating ang nasabing lebel ay ipagpapaliban pansamantala ang pagpapakawala ng tubig,lalo aniya’t nasa kritikal level na rin ang Buntun bridge dito sa probinsiya ng Cagayan.
Kaugnay nito, umaasa si Ramos na titila na ang ulan para hindi na muling tataas ang lebel ng tubig sa magat dam.